4 DIGIPAY SUKI YOU PROBABLY KNOW

JUDITH

Lahat tayo kilala si Judith dahil siya ang pinakasikat sa lahat. Lagi mo siyang nakikita kapag katapusan na ng buwan dahil bitbit niya ang kaliwa’t kanang BILLS. Kuryente, tubig, cable, internet, credit card, loans...name it! Pero kahit sandamakmak ang due date niya, kaya naman niyang bayaran lahat sa Digipay. ‘Yan ay dahil madiskarte si Judith!

LOADI

Siya ‘yung IDOL mo na hindi nawawalan ng LOAD. Mahilig kasi siyang tumawag, magtext, at mag-internet. Kaya bago pa ma-expire ang load, pumupunta na agad siya sa kapitbahay niyang Digipay Agent. Pwede siyang bumili ng load ng sa Globe, Smart, Sun, TM, Red, ABS-CBN, Cignal at PLDT. Lodi talaga siya, lalo na ang Digipay!

GAME-MAMIA

🔊 “Here I go again. My, my, how can I resist you?” 🔊 Ang sarap kapag tuluy-tuloy lang ang laban ‘di ba? Ganyan si ‘Game-Mamia’ dahil nakapag-load siya ng gaming pins sa Digipay. Mahilig kasi siyang virtual items ng mga paborito niyang mobile game tulad ng Mobile Legends, Garena, Asiasoft, Blizzard, at marami pang iba. Game face on siya everyday with Digipay!

MONEY PACQUIAO

Madalas siyang sumusugod sa kakilala niyang Digipay Agent hindi para manuntok, kundi para magpadala through GCash, Smart Money or PayMaya. Kung kailangan ng allowance ng kanyang anak, hindi na niya kailangang lumayo at mamasahe pa for Mobile Money transaction. Kapag si Money Pacquiao ang naging suki mo, siguradong panalo ka sa extra income!

May kakilala ka ba sa kanila... o baka naman ikaw ‘to? Hanggang sa muli, ka-Digipay!