6 TIPS FOR DIGIPAY AGENTS

STRONG INTERNET CONNECTION

Hindi ba successful ang transactions mo o mabagal ang app? Check your internet connection para tuloy-tuloy ang kita gamit ang Digipay app. Alamin at pumunta kung saang parte ng tindahan ang may malakas na signal para maiwasan ang aberya kapag nagpa-process ng transanction. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang abala sa business mo at sa customer.

ATTENTION TO DETAIL

I-double check ang amount, account number, at kung may dobleng transaction sa inyong app bago mag-proceed sa gagawing transaction. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang paghihintay na maibalik ang Digipay credits o ang posting ng mga maling transactions. Tandaan na hindi na maibabalik ang Digipay credits kapag mali ang transaction gamit ang Smart Padala at e-load kaya naman pinapaala na dapat tama ang lahat ng detalyeng ilalagay sa app.

TOP-UP AHEAD OF TIME

Maglaan ng sapat na oras para sa top-up process. Iwasang magtop-up kapag ubos na ang Digipay credits para hindi matigil ang inyong business. Mag-upload ng malinaw at tamang deposit slip gamit ang Digipay app. Paalala na tandaan ang mga tamang top-up details at requirements na kailangan para sa mas mabilis na funding processing.

REPORTS? REFER TO SALES DATA

Kung hindi niyo maalala ang mga successful transactions, ‘wag mag-alala dahil maaari kayong pumunta sa Sales Data para ma-view ang recent transactions na inyong ginawa. Dito mo makikita ang detalye ng mga transactions katulad ng transaction ID, date, pangalan, product, rebates, at iba pa.

REFERRAL FEE

Hindi lang sa rebates maaaring kumita kapag naging Digipat Agent kayo. Makakakuha ng referral fee ang current agent na sino mang magre-refer ng new agent. Dahil dito, may dagdag na source of income kayo bilang Digipay Agent.

BE UPDATED

Gusto mo bang malaman ang latest updates ng Digipay? Siguraduhing active ka sa pag-check ng Digipay Agent Facebook group at email. ‘Wag ding kalimutang basahin ang push notifications na sinesend ng Digipay team. Dito mo malalaman ang funding schedule, promos, at iba pang happenings sa Digipay.