4 MISTAKES TO AVOID AS A DIGIPAY AGENT
“DI KO SURE, MARE”
Kapag may potential suki na nagtanong sa’yo, “Pwede bang magbayad diyan ng PAG-IBIG at Cashalo?” Iwasan ang hindi siguradong sagot. Sa kahit anong negosyo, alam mo dapat ang iyong binebenta. ‘Di mo naman kailangang i-memorize ang lahat ng billers dahil wala namang quiz! Just open the Digipay App, click Bills Payment at i-type ang biller sa search bar. Napakadali lang i-navigate ng app, ‘di ba?
“TAGAL KO NAMANG YUMAMAN”
2 months ka pa lang as Digipay Agent pero gusto mo na agad ng sandamakmak na kita? Chill ka lang, ka-Digipay. Walang ‘instant yaman’ sa negosyo dahil lahat ‘yan ay pinaghihirapan. Bakit hindi mo ipagkalat sa buong barangay na pwede na sila magbayad ng bills, top up ng load, GCash o PayMaya, Smart Padala sa’yo? Pwede ka ring mag-refer ng kaibigan na gustong maging Digipay Agent para may 100 credits ka. Sa Digipay, basta may tiyaga…may EXTRA INCOME!
“BADTRIP AKO, SARADO ANG TINDAHAN”
Hala, baka maubusan ka ng suki niyan, ka-Digipay! Iwasan mo ang bad vibes sa negosyo para hindi rin mabadtrip ang mga suki mo. That’s a no, no. Sayang naman ang kita kung papairalin lang ang mood swing, ‘di ba? Always smile para positive energy din ang darating sa iyong tindahan.
“KATAMAD BASAHIN ‘YUNG AGENT MANUAL”
And lastly, para ito sa mga bagong Digipay Agent. Gawin mong bestfriend ang iyong Agent Manual. Ginawa ito upang bigyan ka ng basic knowledge tungkol sa Digipay app. Ang lahat ng transactions ay mangyayari lamang sa app or via Web kaya dapat familiar ka sa icons at nilalaman nito. Happy learning, happy earning!
Guilty ka ba as a Digipay Agent? Tandaan, laging iwasan ang mga ito upang maging maayos ang iyong pagnenegosyo. Hanggang sa muli, ka-Digipay!