3 BAGAY NA PWEDENG GAWIN SA BAHAY DURING QUARANTINE
Malaking tulong ang manatili sa bahay para mabawasan ang pagkahawa o pagkalat ng COVID-19. Kahit tila natigil ang mundo, hindi ibig sabihin nito ay wala na tayong pwedeng gawin mula sa loob ng ating mga bahay. Staying home can still be fun and productive, ka-Digipay! Narito ang ilang mga bagay na maaari mong pagkaabahalan ngayong may Enhanced Community Quarantine.
FAMBAM IS THE BOMB!
Punuin ng family bonding ang panahong ito para mabawasan ang stress at lungkot na nakikita natin sa mga balita. Dahil hindi rin maiiwasang mainip ng mga bata, isang magandang paraan ay maglaro ng indoor games. Pwede mo itong gawing interactive at educational para natututo pa rin sila kahit walang pasok. May paborito ba kayong pagkain na nabibili lang sa fastfood o restaurant? Make your own version! Mas tipid na, may picnic time pa ang buong pamilya. Make this time an ultimate bonding experience, ka-Digipay!
EXTRA RICE O EXERCISE?
Pwede naman both! Hindi masamang mapasobra ang kain paminsan-minsan basta healthy ito. Lalo na ngayong may COVID-19, mas kailangan nating i-boost ang ating immune system upang may panlaban ang ating katawan. Bukod sa pagkain ng mainam na prutas at gulay, ang 30 minutes na physical activity kada araw ay malaking bagay upang lumakas ang resistensya. Ang zumba ay isang masaya at effective na exercise para sa buong pamilya. Tara na at igalaw ang ating katawan!
DIGIPAY ALL THE WAY
Stuck sa bahay? No problem! Just sign-up as Digipay Agent, top-up with a minimum of P100, and you can be an authorized payment center ng buong barangay. Habang tayong lahat ay nasa quarantine, isa itong magandang opportunity para magkaroon pa rin ng extra income through bills payment, gaming pins, e-load, mobile money at microinsurance. Convenient na, hassle-free pa dahil walang pila. Ang saya, ‘di ba?
Ready ka na bang maging Digipay Agent? Click here. Hanggang sa muli, ka-Digipay!