DIGIPAY AGENTS IN 5 LOVE LANGUAGES
WORDS OF APIR-MATION 🙏🏻
Para sa’yo, mahalaga ang bawat salita na binibitawan mo sa iyong mga suki. Tuwing pupunta sila sa iyong tindahan, mahilig kang bumati nang may ngiti sa labi. Tiwala sila na maayos kang kausap dahil hindi ka din pabago-bago ng convenience fees. At kung successful man o failed ang transaction, transparent ka sa kanila dahil ipinapaliwanag mo agad kung nagkaroon man ng aberya. Apir tayo diyan, ka-Digipay!
PHY-SEE-CAL TOUCH 👀
Hindi naman ibig sabihin nito ay kailangan mong yakapin ang iyong mga suki. Ang gusto nila, lagi kang available tuwing kailangan nilang magbayad ng bills o magpadala. Kung bukas ang iyong tindahan mula Lunes hanggang Sabado ng 8AM – 6PM, aaasahan nila ‘yan sa lahat ng pagkakataon. Kung wala ka naman sa ganitong panahon, mas mabuti na ipaalam mo na agad ito nang mas maaga. Basta makita lang nila ang presensya mo, it makes a big difference!
G! WHEN GIVING GIFTS 🎁
Kung mahal mo ang iyong negosyo, hindi ka mawawalan ng loyal customers. Sila ‘yung totoong naniniwala sa serbisyo na ibinibigay mo. Kaya paminsan-minsan, hindi masamang bigyan sila ng munting regalo para naman maramdaman nila na pinapahalagahan mo sila bilang mga suki. Isa itong magandang paraan para lalo silang magtiwala sa business mo. Maganda itong gawin kapag Christmas season because it’s the season of giving!
MAGLAAN NG ORAS? NO RUSH! ⌚
Mas maganda kung itinuturing mo ring kaibigan ang iyong mga suki. Iwasan mong iparamdam sa kanila na mahirap kang i-approach tuwing magbabayad sila sa’yo. Kahit na busy ka at madaming customers, treat them fairly para hindi sila lumayo at hindi na bumalik. Masakit ‘yun, ka-Digipay! Mas masarap sa feeling kapag malapit sa’yo ang iyong mga suki, ‘di ba?
TANGING BISYO? MAGBIGAY SERBISYO! 😍
A successful business is all about great service. Agree ka ba dito? Araw-araw, dapat 100% effort ang binibigay mo sa negosyo. I-maximize mo ang services ng Digipay para mas mapagaan ang buhay ng iyong mga suki. Bukod sa tubig at kuryente, pwedeng pwede silang magbayad ng cable, internet, loans, at marami pang iba! Sa huli, mararamdaman nila kung gaano kadami ang natipid nilang oras at pamasahe dahil may Digipay Agent silang kapitbahay!
Hanggang sa muli, ka-Digipay!